NAG-POST si Kris Aquino last Tuesday na magkakaroon siya ng public appearance kinabukasan.
“In case you’re free on Wednesday, Nov 27 I’ll be in Glorietta at 5 PM to hopefully help make your Christmas celebration more delicious with Lady’s Choice macaroni salad.
“Trying to recall if I’ve ever done a cooking demo with actual food tasting for those in attendance in such a big venue and seems this will actually be a #first. #lovelovelove.”
Bihirang magpakita sa publiko si Kris simula nang magkasakit at habang nagpapagamot. Kaya marami agad ang followers na nagkomento ng kasiyahan sa mismong post. May ilang Krisy Girls at Krisy People, grupo ng Kris Aquino fanatics, na nag-private message sa akin kung kokober daw ako.
Kumober ako para masaksihan ang isa sa rare appearance ng social media empress. Dinumog ng fans niya ang venue. Isang oras pa lang bago magsimula ang event, naroroon na sila. Ramdam na ang excitement sa paligid.
May mga artista na kapag hindi na visible sa TV o pelikula, tumatamlay ang career. Iba si Kris, hindi kumukupas ang attraction sa kanya ng mga tao.
Mahirap pa ring pantayan ang karisma at ang pagiging crowd drawer niya.Biglang umugong ang paligid ng activity area ng Glorietta na ginawan ng Lady’s Choice ng sosyal na Christmas Village nang tawagin na siya sa stage.
Nag-cooking demo siya kasama ang chef at host with matching tsikahan na punumpuno ng valuable info kung paano ipinagdiriwang ng pamilya Aquino ang Pasko at kung anu-ano ang mga inihahandang pagkain. Napanood nang live sa Facebook ang event.
Bumaha ang puto bumbong, bibingka at macaroni salad sa katuwaan ng lahat.Lalo silang natuwa nang bumaba sa stage si Kris at habang naglalakad papunta sa naghihintay na sasakyan, magiliw na pinagbigyan ang mga gustong maki-selfie.
Hayun, balyahan na! Mabuti na lang, full force ang security personnel ng Glorietta, kaya walang untoward incident na nangyari kahit dinumog na ng mga tao si Kris.Walang duda, siya pa rin ang reyna!
-DINDO M. BALARES