PATI si JC de Vera ay nagulat na mabasang marami ang nagko-congratulate sa kanya at sa kanyang partner dahil inakalang ‘yun post niya ng litrato nilang dalawa ay nag-propose na siya.

JC at Roxane

Kaya nilinaw ni JC ang maling akala ng marami sa kanyang mga kaibigan na may marriage proposal na siya sa partner niya na ayaw banggitin ang pangalan, sa mediacon ng pelikulang Love is Love na showing sa December 4.

“Hindi ko rin alam kung bakit naisip nilang may nangyaring marriage proposal. Nagpa-picture lang kami sa friend kong owner ng photography at video studio para sa page namin at marami na ang nag-congratulate. Pero wala pa kaming balak, napag-uusapan na and we are looking forward for that day, hindi pa lang ngayon,” paglilinaw ni JC.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hindi nasabi ni JC ang rason kung bakit ayaw muna nilang pakasal ng wife niya, pero pinaghandaan tiyak nila at idagdag pang busy pa sa maraming showbiz commitment ang aktor.

Heto nga at may pelikula siyang showing sa nabanggit naming petsa sa direction ni GB Sampedro at story ni Cel Santiago. Si Roxanne Barcelo ang leading lady ni JC at kasama rin sa cast sina Raymond Bagatsing, Jay Manalo, Neil Coleta, Marco Alcaraz at Rufa Mae Quinto. Produced ito ng RKB Productions.

-Nitz Miralles