NAGPAHAYAG ngkahandaan si Asian Games gold medalist skateboarder Margielyn Didal para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Para mas malinang ang talento, sumailalima ng 23-anyos Cebuana sa therapy sa Cardia Olympia, gayundin sa matinding assessment sa Red Bull High Performance Training Center sa Santa Monica, California para maisaayos ang ilang injuries na matagal na rin niyang iniinsa.
“Last December 2014, I had a very severe ankle sprain that didn’t seem to get better,” pahayag ni Didal. “Until recently, it affected my skating because I kept thinking it might happen again.”
Bahagi ng assessment ang serye ng ehersisyo para maisaayos ang flexibility at core reflexes, para mas maigalaw ang buong katawan sa kanyang mga gagawing trick executions.
“The best part about them (Red Bull) is when they would torture me during rehab,” pabirong pahayag ni Didal, napabilang sa talento na pinangangasiwaan ng Red Bull. “But really, they have the best team, therapist and equipment. They helped so much - especially with my ankle concerns and other key areas. Now we’re focusing on a lot of ways to improve my skills.”
Matapos ang rehab program, humirit si Didal sa ika-limang puwesto sa Street League Skateboarding (SLS) World Tour sa Los Angeles, California, sapat para tanghaling highest-ranked Filipino skater sa mundo.
Sa matika sna kampanya, higit na lumakas ang tsansa niya na madomina ang SEA Games at magkwalipika sa 2020 Tokyo Olympics.
“I’m always prepared and ready to compete, no matter where it is. That’s why I recently spent time in Rio de Janeiro/Los Angeles to get the best place training possible. I’ve also got some new tricks prepared but will stick to the game plan,” aniya.
I’m honored to be an inspiration to the next generation of skaters,” pahayag ni Didal. “In the future, I am keen on doing more projects like clinics to share with them what I’ve learned.”