HANDA na qang koponan ng Sepak Takraw upang sumungkit ng karangalan para sa bansa sa nalalapit na kampanya nito para sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Wala nang tatlong linggo ang paghahanda para sa nasabing biennial meet, ngunit malaki angn aitulong ng mga training camps sa abroad at ang paglahok sa mga prestihiyosong international tournaments na sinalihan ng mga atleta ng sepak takraw upang mahasa ang kanilang galing at umarangkada para sa nalalait na hosting ng bansa.
“I’d say that this is by far the most thorough, well planned and most funded campaign of our NSA (national sports association) in the recent years,” pahayag ni Pilipinas Sepak Takraw Association, Inc. President na si Karen Tanchanco-Caballero.
Malaking tulong din umano ang suportang ibinibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa koponan para sa naturang paghahanda para sa kampanya ng bansa sa 11-nation meet.
“From the team composition, coaching staff, international training camps and foreign coaches plus several international exposure competitions, we have exhausted whatever support we can give to the PH Team to give them a strong fighting chance for golds in the SEA Games. Thanks for Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee and private/corporate sponsors,” kuwento pa ni Tanchanco-Caballero.
Matapos ang kanilang pagsabak sa nakaraang Arafura Games na ginanap sa Darwin, Australia, nagtungo naman ang parehong koponan ng men’s at women’s ng Sepak takraw para sa training camp sa South Korea at Thailand.