HINDI pa umano nami-meet ni Coco Martin ang boyfriend ng kanyang best friend, na si Vice Ganda.

Coco Vice Ion

Kamakailan lamang ay umamin na ang 43-year-old comedian sa kanyang relasyon sa male pageant titleholder-turned-Kuya Escort ng It’s Showtime, na si Ion Perez.

Sa isang artikulo ng Push, nabanggit ni Coco na hindi umano papayagan ni Vice na makilala niya si Ion.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Kasi dati pag may boyfriend ‘yan lagi kong inaaway,”aniya.

Sa seryosong usapan, aminado ang aktor na lagi siyang protective sa kanyang best friend.

“Siyempre lalaki ako eh siguro dahil mahal ko siya, alam mo iyon, ‘yung pagiging kaibigan mo bilang lalaki pino-protektahan mo siya ayaw mo siyang lolokohin, pagsasamantalahan,”paliwanag ni Coco.

“Kaya ngayon sa mga naririnig ko, sa mga nababalitaan ko, napakabait ni Ion kaya natutuwa ako na nakahanap na rin siya sa wakas ng nagpapasaya sa kanya at nagmamahal ng totoo.”

Dagdag pa ng Ang Probinsyano star, “Siyempre sobrang saya ako para sa kanya. Alam niyo naman ang hinahanap lang ni Vice ay ‘yung magmamahal lang sa kanya, ‘yung totoong magmamahal sa kanya, kasi nasa kanya na lahat. Wala ng hihilingin ‘yan sa buhay eh. Maayos na rin ‘yung family niya, nagmamahalan sila, healthy si tita, ang kulang na lang talaga ay ‘yung magpupuno sa puso niya at nahanap na niya ngayon kaya sobrang proud ako sa kanya at masayang-masaya ako ngayon dahil sobrang saya niya ngayon.”

-REGINA MAE PARUNGAO