SA panayam kay Direk Veronica Velasco, idinepensa niya kung bakit sa Iceland, ang location ng kanyang movie na Nuuk, starring Aga Muhlach at Alice Dixson. Sabi ni Direk Velasco, doon daw nangyari sa capital city ng Greenland, ang kuwento ng pelikula.
Bago pa magsimula ang siyuting, ipinagtapat ni Veronica na may takot siyang naramdaman nang malaman niyang sina Aga at Alice ang kanyang mga bida sa movie niyang Nuuk, pero habang nagsisimula na silang magtrabaho, naging kumportable na raw siya nang maumpisahan ang kanilang shooting.
“Actually, I was quite surprised. When I was given the project, they were already on board, so parang medyo nakakatakot idirek si Aga Muhlach and Alice.
“But surprisingly, noong nandoon kami sa Greenland, hindi ko alam kung ano ang nagagawa ng shooting in a remote place, pero I was surprised na magkakasundo kaming lahat, walang away.
“Kasi ang hirap na nung lugar, e. Hindi ka na puwedeng mag-inarte dun. Pampatagal ka lang.
“So we really had a good time.
“If you watch the film, you have to really watch the ending kasi sobrang galing sina Aga at Alice,” kuwento ni Veronica.
Kahit ang Nuuk ang capital at largest city ng Greenland, maliit lamang ang populasyon nito na 17,000 na kinabibilangan ng 400 Pilipino, na malaki ang naitulong sa shooting ng Nuuk kaya may planong ipalabas doon ang pelikula nina Aga at Alice.
“I think yung Danish ambassador is trying to negotiate na may showing [ang Nuuk] sa Denmark pero inaayos pa nila.
“Yung mga Filipinos doon, they are part of the medical profession, yung mga hotel saka mga restaurant.
“Actually, ang laking tulong nila. Nung wala kaming permit sa hospital, dahil sa Filipino nurses, we have access to places we normally are not allowed, kasi sila ang may hawak ng susi.
“Even sa bar, sila yung mga waitress, binibigyan nila kami ng extra food. Sa Greenland, may kare-kare.
“Si Aga, hindi nga kumakain. Ang galing nga, e.
“Ang guwapo ni Aga sa pelikulang ito, yun lang ang masasabi ko,” ilan sa fond memories ni Veronica sa halos isang buwang pananatili nila sa Greenland para sa principal photography ng Nuuk.
-Ador V. Saluta