HINAMON Ni Danny Garcia si Manny Pacquiao na huwag gamitin sa media ang kanyang pangalan at piliin siyang labanan para patunayan na hindi natatakot ang eight-division world champion.

Matagal nang usap-usapan na si Garcia ang sunod na lalabanan ni Pacquiao, ngunit sa tuwina’y nawawala ito sa radar at sa negosasyon.

Sa panayam ng Fighthype.com, sinabi ng dating welterweight world champion na nakukuleleng na siya sa ‘media hype’ hingil sa kanyang pagiging challenger kay Pacquiao. Aniya, tulad ng nakalipas, tiyak na aatras din sa kanya ang Team Pacman tulad ng nangyari kung saans I Keith Thurman ang nakaharap nito matapos ang mahabang usapin sa kanyang paglaban.

“They just sayin’ it cause of the hype. And then when it come down to it nobody really wanna fight. Pacman said it and then he fought Thurman. So he’s sayin it again but let’s see,” pahayag ni Garcia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Maging si Freddie Roach ay naniniwala na si Garcia ang ‘best opponent ‘ para sa Pinoy champion.

“I believe in February. They’ve been talking about a February fight,” pahayag ni Roach. “Danny Garcia looks like a good fight. He’s a hell of a fighter,” aniya.

Iginiit ni Garcia na mas deserving siyang makaharap ni Pacquiao kesya kau Thurman at sinabing patutunayan niya ang pagiging ‘Legend killer’.

“Manny Pacquiao is a legend I respect him but Danny Garcia is a legend killer!” sambit ni Garcia.

“I have better timing than Keith (Thurman) and I have better one-punch knockout power than Keith. And I’m a better counter-puncher than Keith,” aniya.