SA semi-finals ng The Voice Kids Season 4 nito lang nakaraang Sabado at Linggo, October 26 at 27, 2019 na ginanap sa Resorts World Theater ay pigil ang hininga at tipong nahirapan sina Lea Salonga, Sarah Geronimo at Bamboo para piliin kung sino ang nararapat nilang ilaban sa grand finals ng TVK4 next weekend.

Gayunpaman, tuloy ang laban. Pinili ni Coach Lea si Cyd Pangca an 11-year-old boy from Bukidnon, to compete on behalf of her team called FamiLea.

Cyd performed the Broadway song You Will Be Found. This is from the musical play Dear Evan Hansen.

Lea pointed out what she likes most about Cyd: “Isa lang naman ang gusto ko, na mangibabaw sa iyong puso . . . because that’s what makes you different and special.”

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Nang kantahin naman ni Vanjoss ang awiting Makita Kang Muli ay tipong overwhelmed ang katuwaan sa fezlak ni Coach Sarah at ito ngang si Vanjoss ang kanyang pinili para maging representative pambato ng Team Sarah sa grand finals.

Sa Team naman ni Coach Bamboo ay talagang hanep ang performance ni Carmelle nang kantahin nito ang awiting And I Am Telling You na pati kami ay napaangat sa aming upuan kung kaya hindi na kataka-taka kung siya ang pinili ni Coach Bamboo para maging representative at pambato rin ng Team Bamboo sa grand finals.

Now ang tanong….sino kaya kina Cyd, Vanjoss at Carmelle ang tatanghaling grand champion sa grand finals ng TVK4 next weekend?

Well, your guess is as good as ours. And to Cyd, Vanjoss and Carmelle….may the best kiddo of TVK4 win! Yun lang and I thank you.

-MERCY LEJARDE