CONSISTENT palang sakit ng ulo sa production ang aktor dahil mahirap siyang kausap pagdating sa projects.

Inakala ng isang indie film producer na siya lang ang nakararanas ng sakit ng ulo sa aktor dahil nga binibitin siya sa mga proyekto at schedules ng shooting hindi pala dahil nakausap din nito ang ibang producer na hirap din sila.

Walang maisip na dahilan ang mga producer sa aktor kung bakit sila pinahihirapan gayung plantsado naman lahat na at wala namang masasagasaang schedule, ang dami raw dahilan kaya hindi matapus-tapos ang pelikulang sinu-shoot nito.

Maging ang co-actor’s ng aktor ay nagre-reklamo na rin dahil may mga out of the country sched sila na kailangan nilang unahin din.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“Nagulo nga ‘yung schedule ko, good thing hinintay nila ako (US project), masyadong busy siya (kilalang aktor), “say ng sikat na personalidad.

Nu’ng naghatagan daw ng schedules ng shooting ang aktor at ang kilalang personalidad ay swak lahat at matatapos kaagad ang pelikula, pero ilang buwan na ang lumipas wala pa sa kalahati ang nakukunan. Kaya pati ang hinahabol na playdate ay hindi na rin umabot.

Mabait naman ang aktor at palabati pero hindi namin alam na ito pala ang other side niya, “pag sikat, nababago ang ugali, ikaw naman hindi ka pa nasanay, “ito ang diretsong sabi sa amin mismo ng TV executive ng programang kasama ang aktor.

-Reggee Bonoan