IBANG Sarah Geronimo naman ang mahusay na actress na mapapanood ng mga fans at moviegoers bilang si Jasmine sa family drama na Unforgettable na produced ng Viva Films at ng The First Idea Company nina Jun Lana at Perci Intalan na siya ring nagdirek ng movie.

Sarah G Unforgettable preem

Puro papuri nga ang maibibigay mo kay Sarah as Jasmine simula pa lamang ng movie hanggang sa katapusan na good vibes ang ibinigay niya sa audience, kahit pa marami rin siyang hirap na pinagdaanan kasama ang inampon niyang aso, si Happy. Si Milo as Happy, ay isang Jack Russel Terrier. Lola Olive ni Jasmine si Gina Pareno na siyang may asong Happy ang pangalan pero namatay ito, na sabi’y sinagip si lola sa sakit na dumapo sa kanya. Kaya nang maging friends sila ng nakuha niyang aso, tinawag niya itong Happy. Tulad ni Lola Olive, sinagip din ni Happy ang buhay ni Jasmine.

Sikat na sikat si Happy noong premiere night sa SM Megamall Cinema 1. Ang daming nagpa-picture sa kanya. Marami ring sumuportang mga artista sa premiere night tulad din nang pagsuporta ng mga artista na nag-cameo role sa movie. Isa nga sa kinatuwaan si Anne Curtis bilang nurse ni Lola Olive at sinabihan niya si Jasmine na kakantahan na lamang niya ito dahil hindi siya puwedeng dumalaw kay Lola Olive. Siyempre pa, ang pamosong boses ni Anne ang narinig.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Please don’t miss the movie na showing na simula ngayong Wednesday, October 23, in cinemas nationwide, dahil nabigyan sila ng G Rating (for general audience) ng MTRCB at Graded B ng CEB (Cinema Evaluation Board). At huwag din ninyong kalimutang magdala ng tissue paper dahil hindi lamang kayo tatawa, iiyak din kayo sa mga eksena.

Congratulations Team Unforgettable!

-Nora V. Calderon