May 22, 2026

Home BALITA National

Filing ng 2025 annual income tax, extended ang deadline hanggang Mayo 15!

Filing ng 2025 annual income tax, extended ang deadline hanggang Mayo 15!
Photo courtesy: Unsplash

In-extend ng pamahalaan ang filing ng 2025 annual income tax returns hanggang Mayo 15 upang matiyak na maayos makapag-file ang bawat taxpayers kasama ang kinakailangan nilang mga dokumento nang walang ipapataw na surcharges o mga multa. 

Sa anunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes, Abril 14, binanggit na maaaring mag-file at magbayad sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) electronic platforms o sa awtorisadong agent banks.

Saad pa ni PBBM, layon ng extension na ito mas mapagaan ang pagbabayad ng buwis sa kasagsagan ng kinahaharap na mga pagtataas ng presyo ng langis. 

Kasunod nito ang anunsyo ni PBBM noong Linggo, Abril 12, na malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo simula Abril 14 upang mabigyang ginhawa ang bawat motorista. 

Tinatayang ₱20.89 kada litro ang ibinaba ng diesel, ₱4.43 kada litro ang gasolina, at ₱8.50 kada litro ang kerosene. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

MAKI-BALITA: Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!