Dear Manay Gina,

I am 16 years old, at naiilang akong kumilos ng natural kapag kaharap ko ang aking magulang.

Hindi kasi ako yung tipong nagse-share ng social life sa mga parents. Ewan lang, basta hindi ako kumportable kapag kaharap sila. Ayoko ring makita nila na masaya ako o

nalulungkot. Nahihiya rin akong makita nila ako kung paano makisalamuha sa aking mga kaibigan.

Lumaki kasi akong sanay na hindi nagse-share ng aking feelings? Pati yung dalawang kapatid ko ay ganito rin ang style. Ano kaya ang puwede kong gawin para maayos ang communication problem namin sa pamilya?

Josie

Dear Josie,

What an interesting set of questions! Pero pa’no nga ba itatago ng isang teen-age girl ang kanyang damdamin sa sariling magulang – masaya man o malungkot? At bakit gugustuhin mo ito? Bakit mo rin inililihim ang iyong mga kaibigan?

Malinaw na nais mong gumanda ang komunikasyon sa inyong pamilya, pero nagtatago ka naman sa isang emotional wall.

Kung ikaw at ang iyong mga kapatid ay nagnanais na mas gumanda ang pakikipag-communicate n’yo sa inyong magulang, puwedeng kayo na rin ang magsimula nito. Hindi natin alam, pero maaaring ang inyong magulang ay ganoon din ang nais. Make the first move. Hindi ito magiging madali dahil nakasanayan n’yo na ang ganyang gawi, pero hindi pa huli ang lahat. Sabihin mo sa ‘yong magulang ang sariling version ng : “I wish we could improve things in the communication department.”Good luck.

Nagmamahal, Manay Gina

“There is no doubt that it is around the family and the home that all the greatest virtues, the most dominating virtues of human society, are created, strengthened and maintained”

-----Winston Churchill

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia