PINANGASIWAAN n i Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at basketball legend Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang pagbibigay ng tseke na nagkakahalaga ng P2.5M para sa Team Cebu City Ninos na tinanghal na second overall sa 2018 Batang Pinoy National Finals sa Baguio City.

Mismong si Cebu City Mayor Edgardo Labella at ilang opisyal ng local na pamahalaan ang tumanggap sa premyo sa isang payak na turnover ceremony sa kapitolyo.

“We (also) signed the Memorandum of Agreement with Mayor Labella just today, Oct. 7, 2019, for the cash prize of P2.5K to the Team Cebu City Ninos for their second place finish in the 2018 Batang Pinoy National Finals in Baguio City,” pahayag ng four-time PBA MVP.

Iginiit ni Fernandez na ang premyo ay magagamit lamang sa grassroots development programs ng lungsod.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sinabi ni Fernandez na inihahanda na rin ng PSC ang hiwalay na P2.5M cash award para sa second overall finish ng Cebu City sa nakalipas na Batang Pinoy 2019 National Finals sa Puerto Princesa, Palawan nitong Agosto.

Sa nakalipas na dalawang taon, nakatanggap ang Cebu City Sports Commission ng cash incentives na P12.5M additional funding para sa grassroots development program. Ang P10M ay mula sa kampeonato sa 2018 Philippine National Games.

“Dondon (Hontiveros) proposed that since there is a 2-hectare allocated for sports facilities at the South Reclamation Properties, we might build it (the P50M building) there because the Cebu City Sports Center is already too congested and another construction there is no longer advisable. Mayor Labella asked Dondon to work on its details the soonest possible time,” sambit ni Fernandez.

“It is now up to Cebu City to give more funds to make it a high rise building. Based on the estimate of PSC P50M may not be enough because of the cost of the foundation, especially if they will build it in SRP which is a reclaimed area,” aniya.

-Annie Abad