Mga Laro Ngayon

(Ynares Center, Antipolo City)

4:30 n.h. -- Columbian vs NLEX

7:00 n.g. -- Blackwater vs Magnolia

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

IPAPARADA ng NLEX ang bagong import na si Manny Harris sa pakikipagharap sa Columbian ngayon sa PBA Governors’ Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Mainit ang pagtatalo nina Jason Perkins ng Phoenix Pulse at Beau Belga ng Rain or Shine nang magharap ang dalawang team sa PBA Governors’ Cup Miyerkules sa Cuneta Astrodome. Nanalo ng Phoenix, 86-84.

Mainit ang pagtatalo nina Jason Perkins ng Phoenix Pulse at Beau Belga
ng Rain or Shine nang magharap ang dalawang team sa PBA Governors’
Cup Miyerkules sa Cuneta Astrodome. Nanalo ng Phoenix, 86-84.

Mataas ang kumpiyansa ng Road Warriors sa dating NBA player na si Harris kontra sa Dyip ganap na 4:30 ng hapon.

Pinalitan ni Harris si Olu Ashaolu, na malaki ang naiambag sa NLEX para sa 4-1 karta, kabilang ang klasikong 113-111 panalo sa Barangay Ginebra San Miguel sa duwelo sa Dubai.

“We thank Olu for helping us get to where we are, for the strong start this conference. But the opportunity to have Manny Harris opened up for us and we had to make the difficult decision —to grab the chance to realize a long-standing desire to have Manny play for the Road Warriors,” pahayagt ni NLEX coach Yeng Guiao.

Magtutuos naman ang Magnolia at Blackwater ganap na 7:30 ng gabi. Marivic Awitan