KRUSYAL!

Mga Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

10 a.m. – Arellano vs Letran (Jrs)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

12 noon – JRU vs SSC-R (Jrs)

2 p.m. – Arellano vs Letran (Srs)

4 p.m. – JRU vs SSC-R (Srs)

TATANGKAIN ng Letran at San Sebastian College-Recoletos na maisalba ang krusyal na laro para mapatibay ang kampanya sa Final Four sa pakikipagtuos sa magkahiwalay na laro ngayon sa NCAA Season 95 sa The Arena sa San Juan.

HIGIT pa sa depensa ang kailangan ng JRU Bombers para makaabante sa Stag. (RIO DELUVIO)

HIGIT pa sa depensa ang kailangan ng JRU Bombers para makaabante
sa Stag. (RIO DELUVIO)

Nakakapit sa huling dalawang slots ng Finals Four ang Knights (No.3) at Stags (No.4) sa likod ng nangungunang defending three-time champion San Beda (15-0) at Lyceum of the Philippines University (11-3).

Kapwa galing sa kabiguan ang dalawang koponan na nakaapekto sa kanilang katayuan namakausad nang ligtas sa susunod na round.

Natamo ng Knights ang magkasunod na kabiguan, huli’y laban sa San Beda, 75-63, nitong Martes, habang ang nakamit ng Stags ang three-game skid, tampok ang

Pagkasilat sa  Emilio Aguinaldo College, 79-75, nitong Biyernes.

Bunsod, nito, bawal nang matalo ang dalawang koponan kung nais nilang makaigpaw sa susunod na round.

Haharapin ng Letran ang Arellano University ganap na 2 ng hapon, habang magtutuos ang San Sebastian at Jose Rizal University ganap na 4:00 ng hapon.

Krusyal ang laban at alam ni San Sebastian mentor Egay Macaraya na tulad nila nangangailangan ang JRY (4-9) para mapatibay din ang kampanya sa Final Four.

“Very important sa amin itong game na to,” sambit ni Macaraya.

Tangan ng Stags ang bentahe matapos magwagi sa Bombers, 82-51, sa kanilang unang paghaharap nitong July 9.

“Galing kami sa magkaka-sunod na talo, and we hope to get back on track. May mga adjustment kami but it’s about execution and playing defense. Hindi madaling kalaban ang JRU, but we’re up to the challenge,” sambit ni Macaraya.

Nakaungos din ang Letran sa Arellano, 81-72, nitong July 12, ngunit galing sa panalo ang Chiefs kontra sa College of St. Benilde Blazers, 75-69, nitong Biyernes.

Tangan ng Arellano ang 4-10 karta at nagkaroon ng laban para sa susunod na round.