Very sweet ang caption ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa photo nila ng fiancee niyang si Angelica Alita. Sabi ni Jolo, “I can’t last a day without you...cant wait until December! #RoadtoForever.”

jOLO AT aNGELICA

Ang intindi ng mga nakabasa ng post ni Jolo, tuloy na ang December wedding ng dalawa na nabalita na dati pa. Sa ibang bansa ang kasal nila at sa mga darating na araw, malalaman natin ang exact date.

Hindi lang maiwasang may mga hindi masaya na masaya sina Jolo at Angelica dahil sa comment na: ‘Di siya kagandahan Jolo... di pa purong Pinoy. Public official ka...it must be a Filipina. A pure Filipina with a good background.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi naman pinaligtas ng maka-Jolo at Angelica ang nag-comment tungkol kay Angelica, binalikan siya ayun, sila na ang nag-aaway-away. Samantalang ang mga ikakasal, masayang inihahanda ang araw na sila’y ikakasal na.

-NITZ MIRALLES