INAMIN ni Barbie Imperial na hindi siya madaling magkagusto sa isang lalaki dahil kinikilala muna niyang maigi ito kasama na ang background.

Barbie

Pagkatapos ng blogcon ng iWant digital series na The Taiwan That You Love na pinagbibidahan niya kasama sina Paulo Angeles at Taiwanese actor na si Stephen Rong na mapapanood na sa Miyerkules, Setyembre 25, tinanong namin kung type niya ang isa sa ka-loveteam niyang si Stephen.

“Mga three months or more pa bago ako ma in-love sa isang guy kasi important sa akin kasi ang attitude ng isang tao,”bungad ni Barbie.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Paano kung bagong kakilala tulad nga ni Stephen, “ako naman po pag may bagong nami-meet o bagong ka-work, hindi ko sinisimulan na awkwardness, sisimulan ko ng conversation na hindi naman ako go-na-go o nagpi-flirt.

“Kay Stephen naman, nagdinner or lunch muna kami kasi pagdating namin ng

Taiwan kumain muna kami lahat bago kami nag-work, kasi parang awkward naman na trabaho agad.”

Single ba si Stephen, “I think so. Hindi ko pa natanong, (sabay lingon sa binata) ‘Rong, are you single?’ Ayun, single raw siya,” napangiting sagot ni Barbie.

Hirit namin na mga tipo ni Stephen ang tipo ng aktres dahil kayumanggi o mulato, (nilingon ulit ng aktres si Stephen), “oo kayumanggi, guwapo, pero mas more on attitude kasi ako. Hindi ko pa siya kilala ng ganu’n, hindi pa kami nagkausap ng malalim. Saka ang layo niya, Taiwan, so long distance?”

Dumating sa Pilipinas si Stephen nitong Biyernes, Setyembre 20 at hindi pa raw sila nagkakaroon ng pag-uusap maliban sa tinanong kung nasaan na ang binata.

Samantala, sa Taiwan That You Love ay ginagampanan ni Barbie ang isang tourist guide kaya natanong siya kung saang tourist spot niya dadalhin ang tatlong aktor na na-link sa kanya.

Ryle Tan: “Si Ryle, sa night market. Mahilig mamili ‘yun ng mga gamit.”

Paul Salas: “ah Taipei 101, iwan ko siya sa taas (tawanan ang lahat). Joke lang, friends kami.”

JM de Guzman: (natagalang mag-isip) sabay tanong, “beh bakit? Siguro sa ano (may nagsabing Temple), oo tama sa Temple para mahanap niya ‘yung ‘the one.’ Oo naman, hindi ko naman siya hate, ano ba.”

Dinagdag namin si Vhong Navarro na leading man niya sa Mang Kepweng 2, “si Vhong dadalhin ko siya sa (sabay bulong), promo-promo I love it! Dadalhin ko siya sa may lantern, maganda kasi ‘yung view. Sa Shifen (old street) ba ‘yun, maganda ang view.”

Ano naman ang wish na isusulat ni Barbie sa lantern, “actually gusto ko sanang mag-wish nu’ng nakaraan kaso naisip ko na… nakikita ko kasi ‘yung lanterns bumagsak sa tubig sa river doon, so hindi ko na lang (itinuloy). Hindi na ako nag-wish kasi mausok, mother nature. Saka matatanda kasi ro’n nagwo-work pa, so sila ‘yung bumababa sa river para linisin ‘yung river. So nakakaawa na baba pa sila ro’n.”

Laking probinsiya si Barbie at mahirap ang pamilya nila kaya nakaka-relate siya at ayaw niyang nakikita ang matatandang dumaranas pa ng hirap.

Inamin din ng aktres na lahat ng pagsubok na dadaanan niya ay haharapin niya tulad ng pagkakatanggal niya sa Pinoy Big Brother 737 at napabilang sa Girltrends ng It’s Showtime.

“Wala pong reason na sinabi sa akin kung bakit ako natanggal sa Girltrends and I respect that kasi management decision at hindi lang naman ako ang natanggal that time.

“Well before hindi ko ma-gets. Ang sad ko kasi ang saya sa Showtime, family talaga tapos lately ko lang na-realize na, ‘ah kaya natanggal kasi may ibang plans.’ Happy naman ako about,” pahayag ng aktres.

Sa pagkakatanggal ni Barbie ay hindi niya naisip na mag-give up, “for me I can’t give up kasi may family ako, breadwinner kasi ako, so wala sa isip ko ang give-up,” katwiran ng aktres.

Nabanggit din ng creative head ng RSB unit na si Andrew Posadas na destined si Barbie na siya ang magbida sa series dahil nu’ng i-pitch niya ang project kay direk Theodore ay ibang aktres ang nasa isip nila.

Inabutan daw ni Mr. Posadas si Barbie sa condo unit ni direk Theodore na nagdala ng prutas kasi nga maysakit ang huli.

“Sabi ko kay Barbie, may meeting ako, may magpi-pitch kaya doon ka muna sa tabi,” say ni direk Theodore.

Kaya habang nagpi-pitch daw si Andrew ng Taiwan That You Love ay nakikinig si Barbie at alam na nito ang buong kuwento.

Sumakto naman na ang aktres na nasa isipan nina Andrew ay wala na sa early 20’s kaya si Barbie ang naisip nila at bumagay ang role na Ivi.

Anyway, bukod sa tourist guide ay gagampanan din ni Barbie (Ivi) ang maging match-maker nang makilala niya si lolo bilang si Yue Lao, ang Matchmaking God na ipauubaya na ang tungkulin niya sa dalaga at ibibilin na dapat niyang mapagtagpo ang mga taong nakatakdang magkatuluyan sa mahiwagang aklat.

Dahil nakasulat sa Chinese ang mga pangalan sa libro, hihingin ni Ivi ang tulong ni Stephen bilang si Wei-Ting. Sa simula, tatanggihan ng binata ang pakiusap ni Ivi, ngunit kalauna’y mahuhumaling naman sa kanyang kabaitan at tiyaga.

Dahil sa pag-usbong ng pagkakaibigan nilang dalawa, malalagay sa alanganin ang relasyon nina Ivi at boyfriend niyang si Eric (Paulo) dahil sa pagseselos nito.

Mapagtagpo kaya ni Ivi ang mga taong nasa mahiwagang aklat? Tuluyan bang mahuhulog ang loob niya kay Stephen o mas pahahalagahan niya ang pinagsamahan nila ni Pauli?

Ang Taiwan That You Love digital series ay idinirek ni Theodore Boborol at kasama rin sa cast sina Jai Agpangan, Igi Boy Flores, Romnick Sarmienta, Mickey Ferriols, Anna Tian Yu Xuan, Ed Ngo, Charles Wu, Sharon Landon, at Melvin Sia.

Mapapanood na simula sa Setyembre 25 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

-REGGEE BONOAN