PASADO sa kaniyang ‘acid test’ si Ifugao boxing pride Carl Jammes Martin nang pabagsakin sa 7th round si battle-scarred Benezir Alolod Biyernes ng gabi sa Mandaluyong Elementary School Gym, Mandaluyong City.

CHAMP! Ibinida ni Ifugao boxing prodigy Carl Jammes Martin ang bagong PBF bantamweight belt na napagwagihan sa impresibong panalo nitong Biyernes na sinaksihan nina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra (kanan) at Commissioner Mar Masanguid sa Mandaluyong City.

CHAMP! Ibinida ni Ifugao boxing prodigy Carl Jammes Martin ang bagong PBF bantamweight belt na napagwagihan sa impresibong panalo nitong Biyernes na sinaksihan nina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra (kanan) at Commissioner Mar Masanguid sa Mandaluyong City.

Ang 20-anyos na si Martin, nagpatulog sa huling pitong foreign opponents sa average na three rounds, ay kuntento at nakuha ang nais niyang makamtan sa laban sa pagharap sa beterano at dating Philippine at regional title holder na si Alolod.

Angat na angat man ang skill nito sa laban, kinailangan pa rin ni Martin ng ilang mga rounds bago tuluyang patulugin si Alolod na nagpakita rin ng tibay sa pagsalo sa karamihan sa suntok ng Hingyon, Ifugao-native boxer.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Yung mga pinaghirapan namin sa training like yung sa stamina ko at lakas, nasubukan talaga kasi matibay yung kalaban,” ani Martin.

Unang bumagsak si Alolod sa fifth round nang patamaan ito ni Martin ng left hook sa katawan at kanan sa panga.

Nagpakita ng poise si Martin nang hindi nito minadali ang atake kay Alolod sa sixth, hanggang sa ibuhos ng Ifugao boxer ang lahat sa binitiwang kaliwa sa panga ni Alolod.

Hilata si Alolod sa harap ng kaniyang corner na naghudyat naman kay referee Elmo Coloma na itigil ang laban sa 1:31 ng seventh round.

“Dadagdagan pa din po yung training at stamina dahil expected ko na pabigat nang pabigat ang laban ko,” dagdag ni Martin.

Dahil sa panalo, umangat ang record ni Martin sa 14-0, 13 natapos via knockout habang laglag sa 19-13-5 si Alolod, pito via KO.

“Gusto ko pa din na sa next fight yung mas angat ng konti sa akin, kahit rated po basta makita ko kung hanggang saan ang kaya ko at yung dapat ko pa ma-improve,” pahayag ni Martin.