NAUNGUSAN ng Far Eastern University ang De La Salle University, 67-66, nitong Miyerkoles sa UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament sa UST Quadricentennial Pavilion.
Hindi masyadong nakalaro si Clare Castro, ang pambatong 6-foot-4 center ng FEU, bunsod ng lagnat, ngunit nakapagambag ito ng 13 puntos at anim na rebounds.
“Problema namin may sakit siya today e kaya 20 minutes lang siya. Quality minutes lang siya kanina kaya rotate at rotate lang kami,” sambit ni FEU head coach Bert Flores.
Nanguna sa FEU si Valerie Mamaril na may 21 puntos at Choy Bahuyan na kumana ng 13 rebounds at walong puntos.
Nagawang makaangat ng Lady Tamaraws sa 66-55 sa kalagitnaan ng final period.
“Maganda yung sistema ni Cholo kasi puro shooters. Buti na-limit namin sila [Lee] Sario and Chuchi [Paraiso],” sambit ni Flores.
Umusad ang FEU sa 3-1 para makasama ang Adamson sa ikalawang puwesto hanabang bagsak ang La Salle sa 2-3.
Marivic Awitan
Iskor.
FEU (67) - Mamaril 21, Antiola 14, Castro 13, Bahuyan 8, Delos Santos 5, Jumuad 3, Abat 2, Quiapo 1, Vidal 0, Payadon 0, Bastatas 0.
DLSU (66) - Pastrana 18, Paraiso 13, Revillosa 11, Sario 8, Quingco 7, Camba 4, Dalisay 3, Okoli 2, Malarde 0, Torres 0, Espinas 0.
Quarterscores: 14-11, 31-25, 54-46, 67-66.