HABANG maraming celebrities ang nagsuot ng kanilang mga newly-tailored gown para sa ginanap kamakailan na ABS-CBN Ball, pinili ni Isabelle Daza na mag-recycle.

ISABELLE

Sa Instagram, ini-reveal ni Isabelle na ang kanyang isinuot na striking blue terno she wore ay nagmula pa sa kanyang mother, si Gloria Diaz.

“I feel like sustainable is the new vintage,”pagbabahagi niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Unang isinuot ni Gloria ang gown, na gawa ni Peppito Albert, sa 1994 Miss Universe pageant sa Manila. Ang ikalawang pagkakataon na nag-host ang bansa para sa beauty pageant kung saan si Miss India ang kinoronahang Miss Universe.

Samantala, matatandaang nasungkit ni Gloria ang unang Miss Universe crown ng bansa noong 1969.

-Regina Mae Parungao