PINAGHARIAN ni Fide Master Nelson “Elo” Mariano III ang katatapos na FIDE rated Lifecore Enterprises Open rapid chess championships matapos makaungos sa tie break points na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan sa Calapan City, Oriental Mindoro nitong Linggo.

NAGKAMAYAN sina Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor (kanan) at GM Joey Antonio bago ang ceremonial moves para sa pagsisimula ng Lifecore Chess Championship sa pagtataguyod ng Lifecore Enterprises Inc. at United Chess Players of Calapan, Inc. president Emmanuel “Noel” Bandelaria Asi.

Si Mariano, head coach ng Jose Rizal University chess team under ng guidance ni Athletic Director Mr. Paul Supan ay nakisalo sa first-fourth places kasama sina last year champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr., Michael Concio Jr. at Mark Jay Bacojo na may tig 6 points.

Dahil sa mataas ang tiebreak points ay nakamit ni Mariano ang titulo habang tumapos si Antonio sa second, kasunod si Concio na nagkasya sa third at si Bacojo na nasa fourth over-all.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa seventh at final round, nakaungos si Mariano kay International Master Barlo Nadera, tabla si Antonio kay Bacojo habang angat si Concio kay Sherwin Tiu.

Una dito, nirendahan nina Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor at GM Antonio ang ceremonial moves bilang hudyat ng pagbubukas ng nasabing competition na nasilayan din sina Nicolas Ramil Castro ng Lifecore Enterprises Inc. at United Chess Players of Calapan, Inc. president Emmanuel “Noel” Bandelaria Asi, at iba pa.