WALANG dapat ipagamba sa antas ng seguridad para sa hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games sa Bobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

NASUBUKAN ng mga miyembro ng National Training pool ang bagong gawang track oval sa New Clark City sa ginanap ang PATAFA-Colgate Weekly Run.

NASUBUKAN ng mga miyembro ng National Training pool ang bagong gawang track oval sa New Clark City sa ginanap ang PATAFA-Colgate Weekly Run.

Sinabi ni  PNP  spokesperson na  Brig. Gen. Bernard Banac, na bagama't walang banta sa seguridad, nanatiling alerto ang Kapulisan upang masiguro na magiging mapayapa at ligtas ang ang mga atleta at opisyal na makikibahagi sa biennial meet na gaganapin sa New Clark City sa Tarlac, at satellite venues sa Subic, Tagaytay City, Batangas at Manila.

“Sa ngayon wala naman tayong natatanggap na anumang banta sa seguridad pero kailangang manatili tayong alerto at mapagmatyag sa anumang mga kaganapan upang mapigilan natin ang insidente na magbibigay ng embarrassment or puna sa ating security,”  pahayag ni Banac.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Ang mahalaga mapanatili atin ang kaayusan at kapayapaan sa lahat ng mga venues,” aniya.

Kabuuang 15,000 pulis mula sa  Police Regional Office-3 (PRO-3) at  National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nakatakdang ipakalat upang bantayan ang mga playing venues para sa nasabing 11-nation meet. Annie Abad