Napanood namin ang Home Sweetie Home Extra Sweet nu’ng Sabado, Setyembre 11 at guest si McCoy de Leon na kunwari boss ni Miles Ocampo bilang si Gigi na kapatid ni Julie (Toni Gonzaga-Soriano).

Nakitaan namin ng chemistry ang dalawa at puwedeng love team since wala naman silang permanenteng kapartner.

Aba sa guesting ng G! Boys sa Tonight with Boy Abunda ay inamin ni McCoy na type niya pala si Miles.

Nabuking ang aktor nang magpapakita ng mga litrato ng aktres kung gusto nilang maging ‘jowa’ o ‘tropa’ at isa si Miles.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sabay nagtaas sina Mark at McCoy ng ‘jowa’, nagulat ang huli at pinababa nito ang itinaas ng una.

Kaya nagtanong tuloy si kuya Boy kung bakit, “maganda si Miles!” ito kaagad ang sagot ni Mark.

Si Paulo naman ay ‘tropa’ at ang katwiran niya, “kasi po matagal nang sinasabi sa akin ni McCoy na crush niya si Miles.

Hindi naman malaman ng tsinitong aktor kung ano ang isasagot dahil inilaglag siya nang dalawang ka-tropa.

Kaya ang tanong ni kuya Boy, ‘McCoy, mag-usap tayo. Jowa bakit?’

Namimilipit naman sa kinauupuan niya ang aktor na hiyang-hiya, “iba po kasi siya, kung baka naintindihan niya ako. Hindi siya parang artista kapag nakakasama ko.”

Diretsong tanong pa ng TWBA host, ‘ikaw ba ay may relasyon kay Miles, oo o hindi.’

“Siguro tito Boy wala pa,” mabilis na sagot ng aktor.

Sundot na tanong pa sa binata, ‘kung magkakaroon ka ng girlfriend ngayon, si Miles ba ‘yun?’

“Kung puwede,” diretsong sagot din ni McCoy habang nakangiti kay kuya Boy na hiyang-hiya sabay takip ng mukha.

Hirit ni Mark, ‘magpapalit na ako ng tropa hindi mo naman sinabi agad.’

‘Mark, bilib ako, ang galang mo sa kaibigan. Tropa dapat,’ sabi ng TV host.

Nakakaloka ang rebelasyon ni McCoy kaya pala sa grand mediacon at blogcon ay ilang beses sinabi ng aktor na matagal na siyang naka-move on at okay na sa kanya na napunta ang ex-girlfriend niyang si Elisse Joson kay Jameson Blake na ka-tropa rin nila sa pelikulang G!

Kasi naman pala ay may Miles na si McCoy at iisa ang nabasa naming komento, botong-boto ang lahat sa dalawa dahil pareho raw mabait.

Anyway, mapapanood na simula ngayong araw, Biyernes ang pelikulang G! nationwide mula sa direksyon ni Dondon Santos at produced ng Cineko Productions na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 kasabay sa pagdiriwang sa Sine Sandaan.

-REGGEE BONOAN