“IT would be great to come back home again and feel the difference after 6 years,” ito ang pahayag ni Rafael Rosell sa ginanap na Parasite Island mediacon nitong Lunes nang gabi na ginanap sa 9501 Restaurant.

rafael rosell

Anim na taon sa GMA si Rafael at pagkatapos ng kontrata niya ay nag-lie low siya ng isang taon at pawang guesting lang ang tinatanggap niya dahil naging busy siya sa surfing.

Pero dumating sa puntong napaisip siya kung ano talaga ang plano niya sa buhay kaya nu’ng hainan siya ulit ng manager niya ng projects mula sa GMA at ABS-CBN ay ang Kapamilya network ang pinili niyang balikan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bago siya bumalik ulit sa pag-arte ay naisip niyang mag semi-retire, “more of, I wanted mini-retirement but still I want to act. And I consider the quality of this network and the prestige, the family that I grew up with dito sa network na ito, sabi ko I want to come home,” pagtatapat ni Rafael.

Dagdag pa ng aktor, “on many levels kasi one of the level ‘yung mga tao na nakasama ko dati, the family that I build. Second, ‘yung treatment nila sa taping. Third, just the over-all quality kapag pinanood mo sa TV alam mong ABS-CBN quality, alam mong puwede itong ipalabas sa ibang bansa and lastly, ‘yung reach ng ABS-CBN ngayon lalung-lalo na sa social media, sa internet ang lakas talaga ng widespread.

“Nu’ng ginawa namin ‘yung MMK (Maalaala Mo Kaya) as in ayaw tumigil ‘yung Instagram ko, Twitter, Facebook ko doon ko na-realize na, wow this really reached a lot of people. One of the things talaga that I missed was the mileage.”

Totoo naman ang sinabi ni Rafael dahil pilot episode palang ng Parasite Island nitong Linggo, Setyembre 8 ay pinadapa na nito kaagad ang katapat na programang Daig Kayo ng Lola Ko sa ratings na 30% vs 17.3% base sa datos ng Kantar Media.

Gagampanan ni Rafael ang karakter na Jessie na lumaking pasaway matapos siyang sisihin sa pagkamatay ng tatay niya nang salbahin siya nito mula sa pagkalunod sa lawa sa isla ng El Cuerpo.

Hindi man si Jessie ang may kasalanan ay siya pa ring ang itinuturong dahilan ng kanyang mga kapatid kahit na sinabi pa ng nakakita na puro linta ang pumatay sa kanyang ama.

Dalawang dekada na ang lumipas ng mangyari ito pero binabagabag pa rin si Jessie ng konsensya dahil sa nangyari sa ama hanggang sa naging lasengero na si Jessie na naging dahilan sa pagkawasak ng sarili niyang pamilya at relasyon sa asawang si Janelle (Ria Atayde).

Pagsapit ng ika-70 na kaarawan ng kanyang inang si Daria (Liza Lorena), umuwi si Jessie sa El Cuerpo at ang mga sakim niyang kapatid na sina Warren (Michael Flores) at Gary (Bernard Palanca) na ang tanging gusto lamang ay ipamana sa kanila ang malaking bahagi ng kayamanan ng kanilang ina.

Abangan ang dala ng trahedya ng mga linta na sila ba ang sagot sa paghilom ng kanilang mga sugat, o maging mitsa lamang ito ng tumitinding inggitan at alitan sa buong mag-anak?

Ang Parasite Island ay handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksyon nina Richard Arellano at Avel Sunpongco.

Kasama rin sina Desiree del Valle, Zeppi Borromeo, Fino Herrera, Charlie Dizon, Kaori Oinuma, Paulo Angeles, Ian Galliguez, at Bianca Manalo.

-REGGEE BONOAN