NATAPOS sa tabla ang laro nina 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. at International Master Angelo Young matapos ang 33 moves ng London System Opening nitong Biyernes sa ikawalong round ng 2019 GM Rosendo Balinas Memorial Cup chess championship sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place sa Makati City.

Sa kabila nito, tangan ng 57-anyos, tanging kinatawan ng bansa sa 2019 Bucharest, Romania World Seniors Chess Championship sa Oktubre, ang solong liderato na may 6.5 puntos.

“ I hope to do well in this event,” pahayag ni Antonio, vice-champion sa 2017 Italy World Seniors Chess Championship.

Giniba ni International Master Paulo Bersamina si International Master Ricardo De Guzman matapos ang 49 moves ng Nimzo Indian defense para mapanatili ang solo second place na may 6.0 puntos, habang nakabuntot si Grandmaster Darwin Laylo na may 5.5 points na pinasuko naman si Alfredo Rapanot sa 36 moves ng Kings Indian defense.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Panalo rin si Sherwin Tiu kay Kevin Mirano sa 65 moves ng Nimzo Indian defense tungo sa 5.0 points, gaya ng iskor na naitala ni International Master Daniel Quizon.

Ang Single Round-Robin standard time control format ay suportado nina engineer Antonio “Tony” Carreon Balinas, US based Joe Balinas at Singapore based Nur Rose Balinas kung saan punong abala ang Alphaland Corporation sa pakikipagtulungan nina Philippine Executive Chess Association (PECA) president Dr. Jenny Mayor at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) director Atty. Cliburn Anthony Orbe