SA lighter side ng mediacon ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, natanong siya tungkol sa kanyang lovelife. Born on January 2, 1992, twenty-seven years old na si Alden, pero matagal na nga siyang tinatanong kung wala pa ba siyang girlfriend, pero laging wala ang sagot niya. May mga naglabasan kasing inili-link siya kina WinWyn Marquez, kay Catriona Gray, at sa bago niyang katambal sa The Gift, ang beauty queen na si Thia Thomalla. Bakit daw madalas niyang i-like ang mga post ni 2018 Miss Universe Catriona Gray?

Alden TG taping

Nagagandahan daw siya kay Catriona at nalaman niyang very good person ito at kung makakatrabaho niya matutuwa siya.

“Meron na po ako ina-eye ngayon,” sagot ni Alden. “Tagarito po siya.” (Nang tanungin kung taga-GMA Network, sagot lamang niya taga-rito raw sa Pilipinas).

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pero nang kulitin si Alden kung sino ang maswerteng girl, tumawa na lamang siya at sagot niya, “lagot tayo dyan!” at hindi na niya sinabi kung sino ang napupusuan niya.

Kaya nang lumabas ang mga interviews ni Alden, nag-comment agad ang mga fans, ibig daw sabihin, hindi totoo iyong Winwyn, Catriona, Thia, kahit daw iyong dalawang naging leading ladies niya sa GMA na ini-link sa kanya, hindi pa rin. Sino na kaya siya?

Last Wednesday, balik-taping na si Alden ng kanyang bagong sisimulang teleserye sa GMA, ang The Gift na isa nga sa mapapanood na ngayong September sa GMA 7.

Sa Monday, September 9, magsisimula ang drama-action series na Beautiful Justice, sa September 16 naman ang The Gift at sa September 30 ang One of the Baes na ipu-produce ng GMA News & Public Affairs.

-NORA V. CALDERON