NASA Manila na ulit ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby Aquino pagkalipas nang dalawang linggong bakasyon sa Boracay na tinawag ng una na 2nd home.

KRIS, BIMBY & JOSH

Base sa bagong post na larawan ni Kris kasama ang mga anak at Bincai na nagdi-dinner sila sa paborito nitong Japanese restaurant, ay nabanggit nitong ipapa-renovate niya ang bahay nila para pagawan ng sariling kuwarto si Kuya Josh pagkatapos niyang bayaran ang buwis.

Caption ni Kris sa litrato nilang apat, “Kuya Josh & Bimb (plus Alvin, Rochelle, Bincai, Gerbel, and Ernan) all went to 6:15 PM Mass w/ me. “After, dumedma na kami sa traffic & we ate in 1 of our favorite restaurants for Yakiniku thanksgiving dinner.“I still have a month & 10 days (counting it from tomorrow when Alvin remits payment) to make good on the 2nd half of a big BIR tax bill for 2018 nag “man up” naman ‘yung accounting firm ko, acknowledged & sincerely apologized for their oversight kaya ‘yung nakakagulat na kailangang idagdag na bayad sa buwis, tahimik kong tinrabahong magawan ng paraan.

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

“Sharing this because it’s a lesson for me & hopefully for others na habang kumikita at kaya, importante talagang magtabi ng cash- maganda po ang investments pero mahirap pag masyadong matagal nakatali ang pera, lalo na pag may mga emergency or kagaya ko, malaking kailangan bayaran na may deadline. “And tonight, I prayed my heartfelt thanks kasi by tomorrow, September 5 (kahapon) fully paid sa BIR, and puwede nang pag-ipunan naman ‘yung renovation ng area ng house namin na pinromise kay kuya Josh, because deserve niya na to have his own “space” without Bimb & mama being makulit & madaldal. #family.”

-REGGEE BONOAN