SA guest appearance ay naging panauhin ni kuya Boy Abunda si Dennis Padilla sa kanyang programang Tonight With Boy Abunda nitong August 28. Agad siyang hiningan ng host ng mensahe para kay Gerald Anderson, na nauugnay ngayon sa kanyang anak na si Julia Barretto.

Dennis at Gerald

Pagtatapat ni Dennis, “Parang nakaapat na text na ako du’n, e, hindi siya sumasagot, e.”

Dagdag pa niyang mensahe para kay Gerald, “Dapat sagutin mo naman ‘yung text ko.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi naman inihayag ni Dennis kung ano ang nilalaman ng text messages niya kay Gerald.

Ang inamin niya ay siya ang unang nakipag-ugnayan kay Gerald nang masangkot ang pangalan ni Julia sa breakup nina Gerald at Bea.

Kuwento pa ni Dennis, “Ang totoo du’n, ako ‘yung nag-text.

“Sinabi ko, ‘Puwede mo ba akong tawagan? Si Dennis Padilla ‘to.’

“Mga after 45 minutes, tumawag naman, may niliwanag lang ako sa kanya.

“Sabi ko lang, ‘Anak ko ‘yan, e.’

“’Yun lang, ‘Pinapaalala ko lang na anak ko si Julia Barretto.’”

Dito raw inamin ni Gerald sa kanya na break na sila ni Bea at nililigawan niya si Julia.

Hindi naman ito itinanggi ni Dennis sa mga sumunod na panayam sa kanya.

Tahimik na sana ang isyung ito ngunit biglang lumabas ang interview ng ina ni Gerald na si Evangeline “Vangie” Opsima sa TV Patrol South Central Mindanao noong August 23.

Dito ay binanatan ng ina ni Gerald si Bea.

Inamin ni Mrs. Opsima na hindi niya gusto si Bea para sa kanyang anak na si Gerald.

Pinuna rin nito ang pagiging maingay umano ng Kapamilya actress sa hiwalayan nila ni Gerald, na hindi nito ginawa noong nagkahiwalay sila ni Zanjoe Marudo.

Sinabihan din ng ina ni Gerald si Julia na layuan ang anak.

Hindi rin daw kasi sila magtatagal dahil pareho silang nasa showbiz industry.

May mga usap-usapan naman ngayong nagkaroon daw ng gap ang mag-ina dahil hindi nagustuhan ni Gerald ang pagsasalita ng ina sa isyu.

-ADOR V. SALUTA