SENTRO ng usapin ang kahandaaan ng bansa sa 30th Southeast Asian Games hosting sa SCOOP (Sports Communicators Organization of the Philippines) On Air bukas sa Manila Times Studio.

Inaasahang magbibigay ng pinakabagong detalye hingil sa konstruksyon ng mga venues at pagsasanay ng mga atleta si Ramon “Tats” Suzara, COO ng Philippine Southeast Asian Games (Phisgoc).

Nakatakda ang SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa New Clark City sa Tarlac bilang main hub. Gaganapin din ang mga laro sa Subic, Tagaytay City, Batangas at Manila.

Makakasama ni Suzara sa lingguhang public service forum si Mike Aguilar, Phisgoc’s Functional Area director for ceremonies na siyang naghahanda para sa opening rites sa Philippine Arena sa Bulacan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mapapanood ang forum via delayed ganap na 8:00 ng gabi sa Manila Televfision.