GINAPI ng Caloocan ang Nueva Ecija, 86-80, habang kinana ng Binangonan ang Pasigueno, 82-70, para maisaaayos ang title showdown sa Community Basketball Association (CBA) 18 years old and under basketball tournament kamakailan sa Narra covered court sa Quezon City.

cba

Sisimulan ng Saints at Spartans ang best-of-three title showdown ganap na 4:30 ng hapon sa Sabado sa Binangonan Town Plaza.

Hataw si Jolo Sumagaysay sa naiskor na  game-high 32 puntos para pangunahan ang Hurricane Saints na pinangangasiwaan ni Dr. Ernesto Jay Adalem at coach Mark Ballesteros.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Nag-ambag si Drick Acosta ng 19 puntos, habang tumipa si John Estrada ng 16 puntos at siyam na rebounds para sa Caloocan.

Nanguna sa Nueva Ecija si Jared Vento na may 20 puntos at 11 rebounds, kasunod sina Nino Villas na may 14 puntos at Marlon de Guzman na may 12 puntos at game-high 17 rebounds.

Ang torneo ay inorganisa ng CBA, sa paangangasiwa ni actor-director Carlo Maceda.