TUTULAK na ang 2nd Libayan-Libayan Tatluhan Chess Team Tournament 1975 average ratings sa Setyembre 15 na gaganapin sa League One Southgate Mall sa Makati City.
Ayon kay tournament director at manager Domingo Libay, ang rapid chess tatluhan team event format ay may time control 20 minutes plus five seconds delay per move na ipapatupad ang seven round-swiss system sa one-day National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament.
Ang torneo ay bukas sa lahat ng titled, non-titled , rated at unrated chess players. Ang Team Composition ay 3 players sa bawat koponan kung saan ang titled/master player ay puedeng i line up sa board 1. Ang ratings basis ay latest NCFP ratings as of July 1, 2019.
"We do this to promote chess in the grass-roots level,” sambit ni tournament director Domingo Libay. "We also believe that by encouraging the youth to actively participate in sports like chess will keep them away from drugs." Aniya.
Nakataya ang P20,000 plus trophy at medal sa magkakampeon.
Ang nasabing event ay pangangasiwaan ng Chess Arbiter Union of the Philippines sa pangunguna nina Alexander Dinoy at Alfredo Chay.
Para sa dagdag na detalye,makipag-ugnayan kay tournament organizer Genghis K. Imperial sa (+63 926-251-4205) para sa karagdagang detalye. Sa pagpapadala ng bayad ay nakapangalan kay Genghis K. Imperial via BDO Cash Card - 5267 2700 4372 8498.