PARA sa mga taong mahilig sa #travelgoals, maaaring bisitahin ang Instagram page ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Pia_Wurtzbach

Nilibot ng Filipina beauty queen ang Vietnam para sa kanyang web travel program na “Pia’s Postcards.”

“Xin Chao! Strolling around the beautiful and timeless streets of of Hoi An old town,” post ni Pia.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Naging bahagi din si Pia ng “town’s lantern festival.”

“Releasing a lantern is said to bring good fortune.”

Hindi rin pinalampas ni Miss Universe 2015 na masubukan ang traditional Vietnamese dress ng bansa, ang Ao Dai. Pinili niya ang kulay pink, tinernuhan ng puting pantalon at isang traditional conical hat.

Hindi naman makukumpleto ang pagbisita kung walang food trip. Pinuntahan niya ang Banh Mi Phuong restaurant, na kilala sa bánh mì, isang Vietnamese sandwich.

-REGINA MAE PARUNGAO