ASAR, TALO!

Ni EDWIN ROLLON

“Don’t get mad, get even,”

Mabigat na panuntunan, ngunit sa mundo ng sports, higit sa physical at mental game na tulad ng basketball, walang lugar ang ‘balat sibuyas’ na players sa pro league tulad ng PBA, ayon kay four-time PBA MVP Ramon ‘El Presidente’ Fernandez.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

NAKIPAGPULONG kay Manila Mayor Isko Moreno sina PSC Chairman William Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez.

NAKIPAGPULONG kay Manila Mayor Isko Moreno sina PSC Chairman William Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez.

Ayon sa isa sa ‘living legend’ ng premyadong pro league sa Asya, prioridad sa isang player ang ‘sportsmanship’, ngunit hindi madaling kontrolin ang sarili sa silakbo ng damdamin.

“In a dog eat dog world, you can’t be onion skinned!” pahayag ni Fernandez, kasalukuyang Commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nagpahayag ng saloobin si Fernandez bunsod ng isyung ‘racial slur’ ni Arwin Santos ng San Miguel Beer laban sa American import at NBA veteran na si Terrence Jones ng Talk ‘N Text.

Sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup best-of-seven Finals na pinagwagihan ni Beermen, 99-94, naging mainitan ang aksiyon, higit sa pagitan nina Santos at Jones.

Sa isang tagpo, nagmuwestra ang one-time MVP ng ungoy-unguyan patungkol kay Jones na ikinaasar nito, maging ng mga teammates at fans ng Katropa.

Binaha ng negatibong reaksiyon mula sa nitizens ang ginawang aksiyon ni Santos, higit at hindi agad ito nagpahayag ng pagsisisi sa nagawang aksiyon.

Matapos kausapin ni PBA Commissioner Willie Marcial, pinatawan si Santos ng P200,000 fined, ngunit nakaligtas ito sa suspensiyon. Nagbago rin ang damdamin nito at kagyat na humigi ng paumanhin kay Jones at sa mga tagahanga sa kanyang mensahe sa social media.

Wala pang pormal na pahayag si Jones hingil sa paumanhin ni Santos.

Matatandaang si Jones din ang nakabanggaan ni Phoenix star Calvin Abueva na nagresulta sa pagpataw ng matinding ‘indefinite suspension’ sa tinaguriang ‘The Beast’ ng liga.

Tanggap ni Fernandez ang naging desisyon ng PBA Commissioners sa pagpataw ng multa kay Santos, ngunit, iginiit niya na huwag palutangin ang ‘racial discrimination’ sa isyu dahil ang kaganapan ay bahagi lamang ng diskarte ng mga players para manalo.

“Is describing someone a monkey or gorilla a racial slur? Aren’t Congressmen and Senators called allligators and crocodiles? Just asking?,” sambit ni Fernandez.

Aniya, higit pa sa paghahambing sa ungoy o anumang pangaasar ang inabot nila bilang players sa international tournament at sa mga nakalabang imports sa kanilang kapanahuan.

“Trash talk was much more personal. We were lucky there was no such law in our time.. Or I’ll still be in jail,” pabirong pahayag ni Fernandez.