UMAASA si Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) executive Director Ramon ‘Tatz’ Suzara ang mas mapapabilis ang proseso sa kinakailangang dokumento sa nilagdaang memorandum of agreement (MOA) sa kasama ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).

UNITY! Sa unang pagkakataon, nagpakita ng tunay na pagkakaisa ang mga lider at opisyal mula sa tatlong ‘major player’ sa paghahanda ng 30th Southeast Asian Games hosting. PSC PHOTO

UNITY! Sa unang pagkakataon, nagpakita ng tunay na pagkakaisa ang mga lider at opisyal mula sa tatlong ‘major player’ sa paghahanda ng 30th Southeast Asian Games hosting. PSC PHOTO

Ayon kau Suzara ang mahabang proseso ang nagpapabagal sa pagkilos para sa planong pagsasaayos ng mga venues sa Subic Bay Freeport na gagamiting isa sa mga venues ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Ayon Kay Suzara, ang Department of Budget and Management (DBM) Ang siyang mag dedesisyon kung kaninong contractor ipagkakalaoob ang proyekto at saka pa lamang sisimulan ang pagsasaayos.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"There are 25 projects  that are being processed by  the DBM and PSC, 13 for the PSC  including procurement and 12 for the DBM. And no money is being released until the DBM award it to the contractor," pahayag ni Suzara sa isang panayam sa kanya matapos ang ginanap na tripartite agreement kamakalawa.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nasisimulan sa Subic Bay Area na venue na siyang  pagdarausan ng Open Water Swimming, Duathlon at Triathlon.

Sinabi pa ni Suzara na kahit Ang paglalagay Ng karatula o signages ay kailangan pang  sumalang sa procurement process.

"Kahit ang paglalagay ng signages kailangan dumaan sa procurement so I hope we can find an easy way para makapaglagay na ng  signages," aniya.

Gayunman,  ipnaalam niya ang  mabilis na pagsasagawa Ng New Clark City sa  Pampanga kung saan gaganapin ang maramihan sa sports, gayundin ang closing ceremony.

"New Clark City is 90%  ng ayos. Yung sa labas na lang ng venue ang focus sa pagpapaganda,” sambit ni Suzara.

Gayunman naniniwala siya na kakayanin na matapos Ang mga venues bago pa man dumating ang pinakahihintay na biennial meet.

"I heard by the end of August maia-award na sa venue contractor Yan and that's the time na pwede na nila simulan. I know kanyang matapos 'yan bago Ang actual hosting natin," aniya.   Annie Abad