KAPWA nakaukit sa kasaysayan ng boxing ang pangalan nina Manny Pacquiao at American Floyd Mayweather.

SI Gibbons sa isang pagpupulong kay Pacquiao.

SI Gibbons sa isang pagpupulong kay Pacquiao.

Ngunit, sa mata ni international matchmaker Sean Gibbons, higit na maimpluwensiya ang marka na nilikha ni Pacman sa mundo ng boxing at sa sports sa kabuuan.

“His 62-7-2 (win-loss-draw) record is greater than Mayweather’s 50-0,”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pahayag ni Gibbons sa kanyang pagbisita kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel sa Manila.

Inamin niyang may pagka-biased ang kanyang pananaw – dahil tumatayo siyang pangulo ng MP Promotions ni Pacquiao – ngunit, ang walong kampeonato sa walong dibisyon ay lutang na hindi mapapantayan ng 50-0 career record ni Mayweather.

Nitong July 20 sa Las Vegas, Nevada, pinahanga ni Pacquiao ang boxing fans sa buong mundo nang sa edad na 40 ay nagawang gapiin ang mas bata at walang talong si Keith Thurman.

“What he’s (Pacquiao) done in the last year, Manny Pacquiao (and)

Sugar Ray Robinson are the two greatest fighters ever,” sambit ni Gibbons.

“Even at 40 years old, Pacquiao is creating history. Nobody’s doing

what he’s doing,” aniya.

“Floyd loves to use the Senator’s name. The Senator’s legacy isgrowing, growing and growing and Floyd’s gone bonkers (because of that).”

Plano ni Pacquiao na magbalik aksiyon sa 2020, ngunit sinabi ni Gibbons na kahit hindi nababangit ang pangalan ni Mayweather sa posibleng makalaban, matindi umano ang pagnanais ni Pacman sa rematch.

“Everything is geared towards getting a Mayweather rematch but if itdoesn’t happen, there are still options.”

Edad 42 na ang retiradong si Mayweather.

-NICK GIONGCO