St. Benilde Blazers, asam maglagablab sa liderato

Standings      W   L

San Beda       5    0

CSB               4    0

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

LPU               5    1

Letran            5    2

SSC-R            2    3

JRU                3    4

Perpetual        2    4

Mapua            1    5

Arellano         1    5

EAC               1    5

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

2:00 n.h. -- Mapua vs EAC (Men)

4:00 n.h. -- Arellano vs CSB (Men)

MULING makasalo sa liderato ng reigning titlist San Beda University ang target ng College of St.Benilde sa pagsalang ngayon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 Men's Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Makakasagupa ng Blazers sa huling laro ngayong 4:00 ng hapon ang season host Arellano University kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng Mapua University at Emilio Aguinaldo College ganap na 2:00 ng hapon.

sanbeda

Tatangkain ng Blazers na makamit ang ikalimang sunod na panalo upang mapanatiling malinis ang  marka at pumatas sa Red Lions sa pamumuno.

Huling tinalo ng CSB ang San Sebastian College nitong Hulyo 30, 77-72 at mula doon ay nakansela ng tatlong sunod ang kanilang mga laro dahil sa masamang lagay ng panahon kung kaya ngayon na lamang sila ulit mapapalaban.

Sa panig naman ng Chiefs, magkukumahog naman silang makabalik sa win column kasunod ng dalawang sunod na kabiguan, pinakahuli nitong  Sabado sa kamay ng Mapua( 64-73 ) sa Cuneta Astrodome sa Pasay City na nagbagsak sa kanila sa buntot ng standings kasalo ng Generals at ng Cardinals taglay ang 1-5 marka.

Bagamat matagal na nabakante, inaasahang nakatulong din sa CSB ang nangyaring kanselasyon ng kanilang mga laban kontra San Beda (Agosto 2), Letran (Agosto 6) at Jose Rizal University(Agosto 9) dahil nakapahinga sila ng husto partikular ang main man na si Justin Gutang na inaasahang lalaro na ngayong hapon matapos ma-sideline ng injury sa kaliwang tuhod.

Samantala, gaya ng Chiefs, magkukumahog namang makaahon mula sa ilalim ng team standings ang mga kasalukuyang cellar dwellers Cardinals at Generals.

Sisikapin ng Mapua na masundan ang natamong unang panalo noong Sabado kontra Arellano habang magtatangka namang makaahon mula sa kinasadlakang apat na sunod na kabiguan ang Generals. Marivic Awitan