Kinumpiska ng Bureau of Customs (BoC) ang 3,220 pakete ng iba’t iabng uri ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P2.316 milyon, mula sa isang barkong mula sa Jolo, Sulu, kaninang ng umaga.

Ipinahayag ni BoC Zamboanga City District Collector Segundo Barte, Jr. na nakarekober ang mga operatiba ng burukrasya katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ng 1,920 peketa ng LS cigarette na nagkakahalaga ng P1,536 milyon at 1,300 pekete ng Fort cigarette na halagang P780,000 mula sa M/V Erlinda of Montenegro Lines, isang passenger cargo, na araw-araw naglalayag sa rutang Zamboanga City-Jolo, Sulu.

Ayon kay Barte, ang M/V Erlinda na dumaong sa Zamboanga International ganap na 6:00 ng umaga kahapon ay galing sa Jolo, Sulu.

Nang makatanggap ng report, aniya, ang mga opertiba mula sa isang confidential informant, nagsagawa kagaad ang mga operating agency ng BoC ng joint seaport interdiction at inabangan ng mga ito ang pagdaong ng barko naglululan ng mga kontrabando.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Makalipas ang ilang sandali ay natagpuan ng mga awtoridad ang 3,220 kahon ng mga imported na sigarilyo na naglalaman ng 1,920 pakete ng LS cigarette at 1,300 Fort sa iba’t ibang bahagi ng barko.

Walang umaming nagmmay-ari ng mga nasabat na sigarilyo.

Iginiit din ni Barte na hindi titigil ang kanyang opisina na sugpuin ang ilegal na pag-i-import ng mga produkto, partikular ang sa sigarilyo at asukal na nanggagaling sa Sandakan, Sabah, Malaysia.

Ipinag-utos ni Barte ang pagwasak sa lahat ng nakumpiskang sigarilyo dahil sa paglabag sa Executive Order No. 245 o Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products at Section 117 ng RA 10863 na may kaugnayan sa  Section 1113 par. (f) at (g) ng CMTA.

-Nonoy E. Lacson