Sen. Go, nakiusap ng pagkakaisa sa POC leadership

NANAWAGAN ng pagkakaisa si Senate Committee on Sports Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mga lider ng Philippine Olympic Committee (POC) upang masiguro ang matagumpay na hosting ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

SINUPORTAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang paninindigan ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangunguna ni Chairman Butch Ramirez na hindi ipagbibili – kailanman – ang Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz. (PSC PHOTO)

SINUPORTAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang paninindigan ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangunguna ni Chairman Butch Ramirez na hindi ipagbibili – kailanman – ang Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz. (PSC PHOTO)

“Nananawagan po ako sa mga pinuno ng Philippine Olympic Committee na magkaisa na tayo para sa bansa at bilang Pilipino. Taposna po ang pagkakahati-hati at may bago ng lider ang POC sa pamumuno ni Rep. Bambol Tolentino,” sambit ni Go.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa ipinatawag na pagdinig ng Senado nitong Miyerkoles, pabirong naipahayag ni Tolentino ang pakikiisa ng national Olympic body sa paghahanda sa SEA Games hosting, kahit mag-isa lamang siyang dumalo sa organizational meeting.

“Handa po ang POC sa preparasyona at pagtulong sa Philippine Sports Commission at sa Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) kahit po mag-isa lang ako sa humaharap sa inyo,” sambit ni Tolentino.

Matatandaang binoykot ang ipinatawag na Special Executive Board meeting ni Tolentino nitong Biyernes, mahigit isang linggo matapos mahalal na bagong POC Chief nang gapiin si athletics president Popoy Juico, 24-20.

Bahagi ng nasabing pagpupulong ang pag-uulat ng mga sports officials ang antas ng paghahanda para sa nalalapit na bienila meet, partikular na ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) at ng Philippine Olympic Committee (POC).

Kabilang sa mga sports officials na dumalo sa imbitasyon ng Go ay sina PSC chairman William ‘Butch” Ramirez, kasama ang kanyang apat na mga kimisyuner na sina Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin.

Bukod kay Go, nakiisa rin sa pagdinig sina Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Francis Tolentino at Sen. Imee Marcos, na nagpahayag nang alalahanin sa kahihinatnan ng bagong itinayong venues sa New Clark City sakaling matapos na ang SEA Games.

Iginiit naman ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president na si Vince Dizon na nasaayos na ang lahat ng plano at hindi magiging ‘while elephant’ ang mga venues na ginastusan ng P7 bilyon.

Mula sa Senado, kaagad namang nagtungo sa Manila City Hall ang PSC Board, sa pamumuno ni Chairman William Ramirez, para makipagpulong kay Mayor Isko Moreno.

Samantala, nakatakdang muling magpatawag ng isa pang Senate hearing si Go kasama si Ramirez at Dizon upang pag-usapan ang Senate Bill No. 397, o ang pagsasagawa ng National Academy of Sports for High School na siyang magsisilbing premyadong training center na siyang huhubog sa talento ng mga kabataang atleta.

-Annie Abad