NAGKAROON ng pagkakataong makapagpahinga at makapagsagawa ng kaukulang adjustment, tatangkain ng San Miguel na makabawi at itabla sa 1-1 ang championship series nila ng TNT ngayong gabi sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals.

Ganap na 7:00 ng gabi ang simula ng Game 2 ng best-of-7 affair sa Araneta Coliseum sa Cubao.

Inamin ni Beermen coach Leo Austria na hindi pa nakaka recover ang kanyang koponan sa nakaraang semifinals series nila ng Rain or Shine kung kaya nahirapan sila at tila nagulat sa ginawa ng Katropa na naging sanhi ng 96-109 na kabiguan nila noong Game 1.

Ngunit bukod dito, aminado din si Austria na nahirapan sila ng husto sa import ng TNT na si Terrence Jones na umiskor sa naturang laro ng 42 puntos, 12 rebounds, 8 assists, 3 blocks at isang steal.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

“We have to regroup. So we will see what really happened and we have to adjust what kind of necessary adjustments we have to do,” sambit ni Beermen coach Leo Austria.

Sa panig naman ng Katropa, sisikapin lamang nilang manatiling naka focus sa laro at hindi makampante at maging kuntento sa nakamit na isang panalo.

-Marivic Awitan

Laro Ngayon

Araneta Coliseum

7:00 n.g. -- San Miguel vs TNT