ANG hectic na schedule ni Arjo Atayde ang dahilan kung bakit hindi na siya kasama sa pelikulang ipo-produce ng Viva Films, ang Miracle in Cell No.7 na entry sa 2019 Metro Manila Film Festival at pagbibidahan nina Aga Muhlach at Bela Padilla bilang kapalit ni Nadine Lustre.

Base sa pahayag ng Star Magic handler ng aktor, “hindi na po, problema po sa schedule.”

Oo nga dahil sisimulan na ng aktor ang Bagman 2 na digital series sa iWant na produce naman ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment.

On-going pa rin ang tapings ng aktor para sa teleseryeng The General’s Daughter.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Palipat-lipat ang aktor sa dalawang programa at sa nalalapit na pagtatapos ng TGD ay saka palang papasok ang pelikulang nakatakdang gawin ni Arjo.

Nag-umpisa na kasing mag-shooting ang Miracle in Cell No.7 at hindi na nila mahihintay pa si Arjo.

Samantala, bukod sa pelikulang Buy Bust ay pasok na rin ang ‘Tol nina Arjo, Ketchup Eusebio at Joross Gamboa sa iWant.

-REGGEE BONOAN