NA-DELAY ang flight nina Mccoy de Leon, Mark Oblea at Paulo Angeles dahil malakas ang ulan kahapon, Biyernes ng madaling araw patungong Cebu City para sa provincial promo ng pelikula nilang G! na entry ng Cineko Productions para sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay kausap namin ang publicist ng pelikula na si Kristina Orfiano na 9AM na raw nakaalis ang eroplano sa Maynila kaya expected nilang 10AM ay nasa Cebu na sina Mccoy, Mark at Paulo.

Maya-maya ay nag-text na sa amin ng 9:56AM, “just landed ang boys.”

May 10AM schedule ang grupo sa University of San Jose-Recoletos kasama rin ang mga bida ng LLS na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos pero iniurong dahil nga sa delayed flight.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Bandang 4PM naman ay may schedule na mall show ang grupo sa Robinsons Galleria Cebu.

At ngayong araw, Sabado (Agosto 3) ay nasa SM Cebu City naman sina Mark, Gabbi, Khalil at Christian Bables mula sa pelikulang The Panti Sisters. Hindi naman kasama sina Mccoy at Paulo dahil kinailangan na nilang bumalik ng Maynila dahil may mall show sila sa SM Bicutan ngayong hapon kasama si Jameson Blake.

May presscon din para sa bloggers, online writers, print media at TV na naka base sa Cebu ngayong hapon.

Samantala, ang kasunod na provincial tour ay sa Davao naman sa Agosto 9 at 10 at sa Pampanga sa Agosto 17

May mall tours at campus shows ang iba pang PPP 2019 idols sa Davao (Agosto 9 & 10) at Pampanga (Agosto 17).Ang provincial show promo ng PPP 2019 ay sponsored ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) in cooperation of Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at sponsored ng CMB Film Services.

Reggee Bonoan