Naghain ng aplikasyon si Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy’ sa Department of Justice (DoJ) upang mapasailalim sa Witness Protection Program (WPP).

“We expect this to be processed as soon as possible because we have a hearing on August . 9 which is the start of the preliminary investigation for the sedition and inciting to sedition case filed by the CIDG (Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group),” pahayag ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon, abugado ni Advincula.

Nakatakdang simulan sa Biyernes, Agosto 9, ng prosekusyon sa pamumuno ni Senior Assistant State Prosecutor Olivia Torrevillas ang paunang imbestigasyon hinggil sa reklamong isinampa ng PNP-CIDG.

“Medyo kasi delikado rin ang buhay niya kasi nakita n’yo naman ang na-file-an ng cases dito ay mga malalaking mga tao,” ani Gadon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Even if we do not assume that they will themselves do some nasty act, we cannot say about their supporters,” dagdag niya.

Isiniwalat ni Gadon na nakatatanggap na ng death threat si Advincula sa kanyang mobile phone at e-mail.

“Marami nare-receive na death threats,” ani Gadon.

Wala na ngayon sa kustodiya ng PNP-CIDG si Advincula, matapos itong makapagpiyansa ng P10,000 para sa kasong cyberlibel  hinggil sa kasong kinasasangkutan nito sa Albay kaugnay ng negosyanteng nagngangalang Ellizaldy Co.

Sa kanyang liham kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sinabi ni Advincula na “voluntarily, submit and request  for an exclusive protection and protective custody under the Witness Protection Program…”

“With the different prominent political figures and various influential personalities that I divulged during the series of investigation conducted by the Philippine National POlice particularly, the Criminal Investigation and Detection Group, my life and the life of my family and security is at risk,”dahilan nito.

Sa asuntong isinampa noong Hulyo 18, inirereklamo nito sina

Vice President Leni Robredo at 35 iba pa sa sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal, at obstruction of justice.

Nag-ugat ang kaso sa video na “Ang Totoong Narcolist” kung saan inakusahan ni ‘Bikoy’ ang ilang personalidad kabilang ang pamilya ni Pangulong Duterte na sangkot umano sa droga ng kalakalan.

-JEFFREY DAMICOG