Elasto Painters, asam makaulit sa Beermen

MAKAHIRIT ng do-or-die ang asam ng Rain or Shine Elasto Painters sa muling pakikipagtuos sa San Miguel Beermen sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinals series ngayon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

BEH! Mistulang batang nagdiwang sa court si Beu Belga ng Rain or Shine matapos makaiskor sa krusyal na sandali na naging mitsa sa panalo laban sa San Miguel Beer sa Game 3. Nakahirit ang Elasto Painters ng pagkakataon na mahila ang best-of-five semis series sa do-or-die. (RIO DELUVIO)

BEH! Mistulang batang nagdiwang sa court si Beu Belga ng Rain or Shine matapos makaiskor sa krusyal na sandali na naging mitsa sa panalo laban sa San Miguel Beer sa Game 3. Nakahirit ang Elasto Painters ng pagkakataon na mahila ang best-of-five semis series sa do-or-die. (RIO DELUVIO)

Napigil ng Elasto Painters ang tangkang sweep ng Beermen ng pabagsakin ang karibal, 112-104, sa Game 3 nitong Miyerkoles.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

At dahil sa naturang panalo, naibsan ng bahagya ang nadaramg pressure ng ROS. Kinakailangan na lamang nilang gawin ulit ang ipinakita nilang laro noong Game 3 upang patuloy na buhayin ang tsansa nilang umusad sa championships.

“They say the hardest game to win is the close-out. So for us, right now, we’re just gonna play loose, continue to trust each other, and see what happens,” ani Rain or Shine veteran forward Gabe Norwood.

“It’s a great win,” aniya. “You know, guys stepped up. Beau [Belga] made a big shot. Rey [Nambatac] played well. C-Mo (Carl Montgomery) played consistently all the way through. We got to do that again.”

Kumpiyansa naman ang Beermen na matapos na ang serye.

“Everybody needs to be locked in. Once you step in the arena, lock in and just get ready,” ani Beermen import Chris McCullough. Kumana ng gamr-high 51 puntos sa Game 3.

-Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- San Miguel vs Rain or Shine