Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na pagbakasyunin sa tungkulin si Health Secretary Francisco Duque.

Ito ay kahit pa planong paimbestigahan ng Senate Blue ribbon Committee ang DOH Secretary dahil sa isyu ng pagkakakuha ng kontrata ng kanyang pharmaceutical firm ng supply ng gamot sa Department of Health.

Sinabi ni presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, na hindi hahadlangan ng Palasyo na maimbestigahan ng Senado si Duque ngunit nakasaad, aniya, sa Konstitusyon na habang wala pang resulta ang imbestigasyon ay maituturing pa ring inosente si Duque o mayroon pang umiiral na presumption of innocence rito.

Una rito, sinabi ni Panelo na buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Duterte kay Duque.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-Beth Camia