UPANG matulungan na mapangalagaan ang mga endangered wildlife sa Soccsksargen, nakipagtulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang unibersidad para sa pagtatayo ng unang wildlife rescue center ng rehiyon sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat.

Inilunsad kamakailan ng mga opisyal ng DENR 12 (Soccsksargen) at ng Sultan Kudarat State University (SKSU) - Lutayan campus ang Regional Wildlife Rescue Center (RWRC) sa Barangay Blingkong.

“All captured, rescued, confiscated, abandoned, surrendered or donated wildlife will be catered by this rescue center,” pahayag ni Dr. Ali M. Hadjinasser, hepe ng DENR-12 conservation and development division (CDD).

Ang pagtatayo ng RWRC ay pagsunod sa Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) na sumisiguro sa kapakanan at buhay ng mga wildlife species sa bansa, ayon kay Hadjinasser.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“If they are sick or injured, they will be treated and released eventually to their natural habitat,” aniya.

Matatagpuan ang center, sa isang 2,500-square-meter site para sa mga wild animals na puno ng mga puno, at may mga lugar para sa DENR monitoring, quarantine, at intensive care unit na gusali at iba pang kulungan para sa mga hayop tulad ng buwaya, mga ahas, lizard at kuneho.

Nagsisilbi ring lugar ang center para sa pagbibigay ng kaalaman sa publiko at pagsasanay ng mga wildlife enthusiasts sa paghawak, pangangalaga at pamamahala ng mga hayop sa lugar.

Nakikita ang pasilidad na mainam na lugar sanayan para sa mga mag-aaral lalo na sa mga nagpapakadalubhasa sa biology, agrikultura at asignatura sa agham, dahil na rin malapit ito sa unibersidad.

Sa isang hiwalay na pahayag sinabi ni SKSU campus director Dr. Juanito Marcelino, na tinanggap niya ang responsibilidad na ibinigay sa kanila sa ilalim ng isang memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan kasama ang DENR -12.

“We are accepting the responsibilities and challenges given us by the government. We will fulfill all of these to sustain the operation of the center,” ani Marcelino.

Sa ilalim ng MOA, ang SKSU-Lutayan campus ang nakatalaga sa pagsisiguro ng kapakanan, proteksiyon at seguridad ng mga hayop na nasa pasilidad, gayundin ang pagbibigay ng lugar para sa iba pang mga hayop kung kailangan.

PNA