Paghahanda sa SEA Games, prioridad ng POC

TAPOS na ang gusot sa Philippine Olympic Committee?

JUICO: Walang personalan.

JUICO: Walang personalan.

Ngayong naihalal na si cycling president Abraham ‘Bambol’ Tolentino bilang lehitimong pangulo ng Olympic body, sinabi ni athletics president Philip Ella Juico na panahon na para ituon ng todo ang pansin sa paghahanda sa hosting ng 30th Southeast Asian Games.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Natalo ni Tolentino si Juico, 24-20, sa halalan na ginanap nitong Linggo sa Century Park Hotel Manila.

Nakatakda ang biennila meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 at target ng bansa na muling makamit ang overall championship na huling nagawa ng atletang Pinoy noong 2005 na ginanap din sa Manila.

“That’s the more important goal in the sense that we as a country we have to perform well,” pahayag ni Juico, dating Chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).

Iginiit ni Juico na maismong ang kanyang sakop na athletics ay kailangang maging determinado upang makapagbigay ng malaking ambag sa kampanya ng Philippine delegations a Sea Games.

“Now I can go back and focus on track and field, and hope to be a major contributor to our gold medal output in the SEA Games,” aniya.

Tulad ng isang tunay na maginoo, kagyat na tinanggap ni Juico ang resulta ng halalan at iginiit na nasa mabuting kamay ang POC sa pamumuno no Tolentino.

“That’s the outcome… you win some, you lose some,” sambit ni Juico. “Perhaps there are opportunities that will be open. Some windows close, other doors open.”

“I cannot say it’s OK, but that’s the result, you deal with it. If we can be of any help, we’re just a text or call away. If we can be of any value to you, we’re here… at least I am,” aniya.

Iginiit naman ni Tolentino na gagawin ang makakaya para maibalik ang respeto ng taong-bayan sa Olympic body.

K a a g a d uma n o s i y a n g makikipagpulong sa PSC at sa PHISGOC para maayos ang nalalabing gusot sa paghahanda sa Sea Games.

“Tama naman, trabaho na tayo,” sambit ni Tolentino.

Matatpos ang termino ni Tolentino sa Nobyembre sa susunod nataon dahil itutuloy lamangniya ang termino ng nagbitiw na pangulo na si Ricky Vargas ng boxing.

-Waylon Galvez