MULING sinolo ng defending champion San Beda University ang liderato matapos iposte ang ika-4 na sunod na panalo sa pamamagitan ng 73-59 na paggapi sa San Sebastian College kahapon sa NCAA Season 95 Men's Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nakuha pang makabig pabalik ang lamang sa huling pagkakataon, 50-48, papasok sa huling anim na minuto ng laban ng Stags matapos ang pang-apat na triple sa laro ni Arjan de la Cruz.

Kasunod nito, rumatsada ng 12-0 run ang Red Lions na tinampukan ng back-to-back triples nina Clint Doliguez at Calvin Oftana para itayo ang 60-50 bentahe, mahigit apat na minuto pa ang nalalabi.

Mula roon, hindi na nakadikit pa ang Stags na bumagsak sa ikalawang sunod nilang talo na nagbaba sa kanila sa patas na markang 2-2.

Nagtala si Evan Nelle ng 14 puntos, 10 assists at 4 na rebounds kasama sina Donald Tankoua at James Canlas na kapwa tumapos na may tig-14 puntos kasunod si Oftana na may 10 puntos at 10 rebounds upang pamunuan ang panalo ng San Beda.

Alex Eala, umariba bilang world no. 29!

Nanguna naman sa nabigong Stags si Allyn Bulanadi na may 15 puntos, 6 rebounds, 4 assists at 2 blocks.

-Marivic Awitan