ISA na si Kris Aquino sa tinuruan ni Angel Locsin ng mixed essential oil na puwedeng makatulong para mawala ang migraine niya base na rin sa sinabi ng una sa video post sa sariling Instagram account, nitong Martes ng gabi.
Matatandaang isinulat namin dito sa BALITA na ‘Oil-bularyo’ ang tawag kay Angel ng co-stars at production staff ng seryeng The General’s Daughter dahil kapag may masama ang pakiramdam sa kanila ay binibigyan sila ng oil ng aktres na siya mismo ang gumagawa. Nabanggit din namin na dala-dala ni ‘Gel ang mga oil sa taping dahil kapag hindi siya kinukunan ay nagmi-mix siya ng oil at ipinamimigay sa lahat.
Going back to Kris, kuwento niya sa followers niya: “I really tried everything na para ma-ease ang migraine as you can see all the essential oils at meron pang especial mixed dito na tinuro sa akin ni Angel Locsin herself and it’s helping but this is what really working (sabay pakita ng helmet) nakita ko ‘to sa Amazons na isusuot ko na at mukha akong storm trooper (helmet) ng Star Wars pero magaling talaga. Grabe talagang nare-relax, may heat dito (sa harap) up to here (sa tuktok), mapi-feel mo na minamasahe dito sa area na ‘to (batok) and you will feel so much better.”
Ipinagdiinan ni Kris na hindi niya iniendorso ang nasabing produkto, “I do not endorse this product I just ordered it but it such a help talaga dahil ang sarap ng tulog. Nakatulong talaga to ease the migraine.”
Sabi pa ni Kris, “For fellow migraine sufferers. sobrang laking tulong, I ordered during @amazon prime day and got a good deal been using since Sunday. “In case you want the essential oil blend mix sent to me by @ therealangellocsinfrankincense, helichrysum, copaiba, lavender, and ylang-ylang (w/ a bit of @doterra deep blue & @younglivingvalor) in fractionated coconut oil. Edit: It’s called the iDream5 HEAD MASSAGER. #krisfeels.”
In-acknowledge naman ni Angel ang naturang post ni Kris.
Samantala, pinuri ni Kris si Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos lang na 4th State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.
“Napahanga n’ya (Pres. Duterte) ‘ko. Kaya sana, tumulad na lang tayo sa pagka-authentic ni Presidente Duterte, hindi nagyayabang, diretso magsalita. We keep saying, we deserve a better country, that starts with accountability. We can have a better (bandila ng Pilipinas) but that starts with us. #krisfeels,” bahagi ng post ni Kris.
Maraming pumuri kay Kris sa obserbasyon niyang ito.
-Reggee Bonoan