NAKATAKDANG ipagtanggol ni WBO Inter-Continental super bantamweight champion Albert Pagara ng Pilipinas ang kanyang titulo kay Thai knockout artist Ratchanon Sawangsoda sa Agosto 17 sa Superdome, Ormoc City, Leyte.

Huling lumaban si Pagara nang patulugin si Ghanaian featherweight champion George Krampah sa 1st round sa sagupaan noong Nobyembre 24, 2018 sa Barangay Mabolo, Cebu City na naidepensa niya ang kanyang regional title.

Hindi pipitsuging kalaban si Sawangsoda na may 12 panalo, pawang sa knockouts at 4 talo kaya tiyak na mahihirapan si Pagara sa Thai boxer na naging ABC Asian Boxing Council Silver super flyweight champion bago umakyat ng timbang.

Isa si Pagara sa tatlong Pinoy boxer na posibleng mai-line up sa world title crack kay WBO super bantamweight champion Emanuel Navarrete ng Mexico bilang No. 3 contender pero nakalalamang si No. 1 ranked Marlon Tapales.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña