Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang pagde-date nila ng asawang si First Lady Liza Araneta Marcos sa Solaire noong Sabado, Abril 11.
Ibinahagi ni PBBM ang mga larawan nila ni FL Liza sa kanilang "quiet dinner" nitong Linggo, Abril 12, sa kaniyang Facebook page.
"Took Liza out for a quiet dinner, just a bit of time away from the day," mababasa sa post ng Pangulo.
Dagdag pa niya, isang nanay at anak niyang babae ang lumapit sa kanila para bumati.
"Along the way, we met a mother and daughter who came over for a quick hello and a short chat. Nice reminder of why the work we do matters," aniya pa.
Ibinahagi rin ni FL Liza ang mga larawan nila ni PBBM sa kanilang date, nitong Linggo, Abril 12.
Mababasa sa caption ng Unang Ginang, "Sometimes it’s just nice to slow down and enjoy each other’s company."
"No noise. Just us."
"Finestra @ Solaire / 11 April 2026."
Sa kabila ito ng mga espekulasyong may malubhang sakit si PBBM kaya naka-admit umano ito sa ospital.
Matatandaang pinabulaanan na ng Palasyo ang tungkol sa umano'y sakit ni PBBM.
Noong Easter Sunday, ibinahagi rin ni FL Liza ang mga kunag larawan nila ni PBBM at mga anak habang kumakain sa outdoor.
Maki-Balita: 'No noise. Just us!' FL Liza, ibinida pagde-date nila ni PBBM